----
Draft I
Dear Ken,
Time flies. Kelan ba nung huli kitang sinulatan ? Madami na kasing nangyari e. There are alot at hindi ko nakwento sayo. ( Hindi mo rin naman kasi mababasa. )
Nasa section 1 na ako ngayon at kaklase ko na sila Mina. How great diba? Hehe.
Top 2 kasi ako last year kaya ayun nilipat ako nila Sir. Hindi ko rin naman inexpect yun dahil wala lang naman yun e. Palagi lang naman ako nasa bahay , nagbabasa plus gumagawa ng assignment plus tinutulungan sila Mama. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit ganun nanyari.
Pero masaya ako dahil atleast ay naachieve ko rin ang mga goals ko.
Kahit na alam kong minsan nakakalinutan na kita habang nirereach yun.
Maybe kailangan lang talaga kita kalimutan para mareach ko pa ang ibang bagay. Diba ?
Hindi mo rin naman ako pinapansin e. Hindi mo rin naman alam ang existence ko kaya why bother to think about you? Hindi ko rin naman alam kung bakit kita nagustuhan. kailangan naman diba may rason para dun ?
Hay.. hindi ko alam. Hindi ako alam.
Sinusubukan kitang hindi magustuhan dahil narin sa kaibigan ko na ang mga pinsan mo. Oh ano? Nagulat ka ? Hehe. Parang kailan lang nung sinabi kong hindi kami in good terms but yeah here we are now! Masayang magkakasama.
Sasabihin ko sayo kung paano nangyari pero ngayon susubukan ko munang kalimutan ka.
For the best naman yun diba ?
- A
-----
Draft •
Dear Ken,
Ang sabi ko ay kakalimutan kita pero bakit bigla ka nalang lumilitaw out-of-nowhere ?
Ewan ko sayo. Hindi ko alam sayo. Baliw talaga ako.
Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?
Alam mo yung pagkagising na pagkagising ko sa umaga tapos siyempre nakahiga ako muna ako sa higaan. Tumayo ako at humarap sa salamin para ayusin ang mukha.
Pero hindi pa man ako nakakaayos ng mabuti nang bigla ako utusan ni Mama na bumili ng kape.
Siyempre tinatamad ako nun lumabas. Dahil may hangover pa ako sa higaan pero no choice kasi kailangan ko talaga sundin si Mama at mamaya ay maging dracula siya.
Lumabas ako sa bahay na medyo inaantok. Hindi masiyadong maliwanag ang paligid 5:30 am palang ata nun e.
Malamig ang hangin at siyempre giniginaw ako nun kaya nirub ko an dalawang kamay ko para magkaroon ng init. That was too cold at hindi ko alam kung sisiponin ba ako kaya i decided na ipulupot nalang ang braso ko sa aking sarili at doon nagsimulang maglakad.
Nakayuko ako habang naglalakad. Feeling ko kasi mas malamig ang hangin pagnakataas ang ulo e. Confident din naman ako kasi kabisado ko ang daan ng walang tinginan pero...
Nagulat nalang ako ng biglang may tumawa sa gilid ko. Nagtaka naman ako at napakunot ang noo. Sinong kasing edad ko ang gising pa ?
Tumingin ako sa taong yun at literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang gwapong anghel na tumatawa saking harapan.
May hawak itong plastik ng pandesal para ata sa almusal nila.
Ang ganda ng view. Yes, maganda talaga ang view pero may something na biglang lumitaw sa utak ko.
NAKAKAHIYA.
Kaya ka pala tumatawa nun ay dahil sa itsura ko. kaya agad naman akong napabitaw sa pagpapalupot ko ng mga kamay ko sakin.
Eto naba ang totoong first encounter natin? This one is super embarrassing!
Sabi ko kakalimutan na kita ang kaso dead end ata ang napasukan ko.
- A
---
Draft W
Dear Ken,
You know my name ?
Kasama ko sina Eloise ( Pinsan mo ) at nasa bahay kami. Nanunuod ng nakakatakot. Siyempre sigawan kami at batuhan ng mga unan. Naalala ko pa nga nung halos mag-hysterical si Rayne dahil yung mukha ng multo ang nasa screen ng TV e.
That was a great night. Yup, sobra. Na parang gusto kong maulit and i kinda think of any other ways.
During that time kala ko puro mga kaibigan ko lang makakasama ko. Yeah, i considered 'Eloise' as someone dear to me kahit na you-know-what. Haha. I only thought of possible things kasi mahirap na kung mag-iisip ka ng bagay na sobrang imposible. But it happened na may turning point pala.
Aksidente man o hindi, you went to my house. I was a bit shock that time kasi.. Like Hello? Nandun ka! Ano pabang ineexpect mong magiging reaksyon ko?
Ineexpect mo bang magpopokerface ako?
Oh no. Hindi ko gagayahin ang mukha mo that time. Xl
Instead of being cold towards you ay naging cheerful ako (like i always do ). I don't want to become a plastic person 'cause it doesn't suits me. I treated the way na dapat itreat kita kahit na kinakabahan ako.
I wasn't expecting it though.
Pinapasok kita sa bahay pagkatapos mong kumatok sa pintuan. Nagtanong ka nga ng mga bagay-bagay which hindi ko naman marinig dahil hindi na talaga ako nakakapag-isip nang maayos.
Haha. Sorry for not replying to your questions. Nasa awkward + nervous + shytype stage kasi ako. Tumatahimik nalang talaga ako sa mga oras na yan bago pa may mangyaring hindi kaaya-aya.
Few more steps. Silence . Walang nag-titinginan. Pareha tayong nakatuon nilalakaran natin. Parang ang layu-layo ng kinaroroonan nila Eloise sa sobrang bagal ng oras. We were like spending a long adventure that's never ending. Bakit ba ganun pagkasama kita?
But fairytales do not exist.
Yung akala mong mabagal na oras mahihinto lang sa isang sigaw na 'Kuya Ken ! '
Good timing, Eloise. Isang sarkastikong sabi ko sa utak ko. Haha. Eloise ruined my moment. But i was thankful for that. Thankful na niremind niya ako na realit nga pala ito.
Nakatayo lang ako sa harap niyo habang kayo ay nag-uusap. Sinubukan ko pakinggan ang pinag-uusapan niyo pero wala naman akong alam tungkol dun kaya pumasok narin ulit ako sa kwarto kung nasaan sila Rayne.
Iba na ang pinapanuod nila. Alam ko naman kasing hindi nila keri yung horror.
I was enjoying myself habang yung iba ay may kaniya-kaniyang mundo. No one cares naman about the movie e. Ilang beses rin naman namin iyong napanuod kaya iba nalang ginawa namin. ( well, except for Rayne na seryosong nanunuod )
Nag-aayos palang ako ng jengga blocks para maglaro nang bigla kayong pumasok ni Eloise sa kwarto.
Tinignan ko kayong pareha at agad naman nagsalita si Eloise para sabihing uuwi na siya. Nagreklamo pa ang iba pero no choice e. Masiyado ka kasing ma-awtoridad kaya sinunod nalang namin ang gusto mo.
Hinatid namin kayo palabas ng gate ni Eloise. Siyempre yung iba sa likod ay daldalan kaya sobrang ingay natin na tumahol pa nga ang aso namin.
May sinabi pa ako kay Eloise atsaka ngumiti. Tumango naman siya at nagthumbs up.
Nagpaalam na kayong dalawa at binuksan na ang gate.
Tatalikod na sana ako nang marinig ko na ang pagsara nito nang bigla kong narinig ang mga salitang. 'salamat, Lexie '.
Wait...what was that?
Lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit mo alam ang pangalan ko ? You know me? Ohmygosh.
Tumakbo na ako papasok ng bahay habang dala-dala parin ang pagkakilig.
Bakit ba sa sobrang simpleng pagkabanggit mo ng pangalan ko ay kinikilig na ako? Meron ba talagang nakakakilig don?
- A
---
Draft A
Dear Ken,
Are we getting in the 'friends' stage yet?
Yes, maybe?
- A
---
Draft S
Dear Ken,
It's true. Nothing lasts forever.
Parang lahat nalang ng pinagsamahan natin ay nawalan ng saysay.
I thought na pwedeng tumagal ang pagkakaibigan natin pero bakit ganun? Ilang weeks palang ang nakakalipas. Nasa starting point nanaman tayo?
Tell me, ano bang nangyari? Kahit 'pagkakaibigan' lang ba ay bawal?
Oo gusto kita. You were my first love. Umaasa akong balang araw tayo ang magkakatuluyan. Pero alam ko ang limitasyon ko. Alam kong panaginip lang iyon na kahit kailan ay hindi mangyayari.
Ayaw ko nang umasa. Kaya nga friendship nalang ang hinihiniling ko diba?
But at some point, bawal ata talaga.
Maybe we're not meant to bump into each other.
- A
---
Draft •
Dear Ken,
I heard it.
Ilang weeks tayong hindi nagpansinan at nag-usap. Papatapos narin ang Summer pero hindi ka parin umuuwi sa inyo. Maybe because of her ? Maybe because of someone you like?
I heard it from Eloisa that there's this certain girl na nagugustuhan mo. You even have an endearment for her. You write letters and even text her. Wow, i can feel that na meron ka rin palang sweet side. Oh i remember something pero hindi ko na imemention.
So you like her? Maybe that's the reason kaya lumayo ka sakin or maybe it was what Eloise have said before? I don't know.
I don't really know.
Double kill e. You went away then before i know it, you already like someone else.
Siguro nga gusto parin kita. Maybe a little or maybe hindi pa nababawasan?
Kasi kung hindi nawala na yung pagkagusto ko sayo ay baka hindi ako nasasaktan ng ganito.
Gusto mo lang naman siya diba? I hope it won't go any deeper.
- A
----
No comments:
Post a Comment