Alam mo yung feeling na sa sobrang paghahanap mo nang taong para sa iyo, hindi mo namamalayan na dati pa siyang nandiyan sa tabi mo.
Sobrang busy mo kasi kakatingin sa iba e. To the point na isang metro na nga lang ng distansya ng babaeng para sayo , hindi mo parin nakita.
Sa totoo lang , Bulag kaba?
Oo alam kong 'Love is blind' pero bakit mo nililiteral ?
---
----
(His)
Simula palang na marinig ko ang boses ng babaeng iyon ay hindi na siya maalis sa isipan ko. Kahit nga sa panaginip ko ay lumilitaw ang boses niya.
Nakakatawa lang. Isang beses ko palang siyang naririnig at hindi pa iyon sadya pero nakatatak na siya sa isip ko. Parang kabisadong-kabisado ko na ang tono ng boses niya at ang pagbigkas niya ng bawat lyriko ng kanta.
She have that sweet voice na ang sarap pakinggan.
Sana lang makita ko na siya. Sana...
--
8:30 am ng umaga nang makarating ako sa school. Sobrang late na nga ako kaya hindi ako pinalampas ni Sir Kalbo at gumawa pa ng misa sa lobby.
Sobrang sakit ng ulo at nararamdaman ko pa ang antok saking katawan. Pisti kasing wifi na iyon sana idisconnect nasa bahay para hindi sabagal sa buhay ko. -_-
" Are we clear , Mr. Cruz ? "
Humikab muna ako bago magsalita. " Opo, Sir Salas. "
Aalis na sana ako nang hilahin ni Sir ang bag ko sa likod. Ano nanamang problema nito?! Badtrip naman oh. Mas lalo pa akong malelate.
Tapos na ang misa niya diba? Bakit hindi pa ako pinapaalis?! Sheet.
" Inaantok ka ba ? " pakelam mo.
" Hindi kaba nakakatulog sa inyo?" pakelam mo.
" Bakit hindi ka nagsasalita, Mr.Cruz?! " pakela---
" Sir, hindi ako inaantok ! " sagot ko kahit kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon. Paalisin lang ako neto.
" Talaga lang ha? " binitawan niya ang hawak saking bag atsaka pinitik ang aking tenga.
" Aray! Naman ! Sir bakit niyo yun ginawa ? " hinimas ko ang kinurot niya. Leche flan naman oh! Ang sakit-sakit. Pisti talaga tong kalbo na to. ang sarap upakan.
" Pampagising ng diwa mo. Osya tumakbo kana at baka ipatawag ko pa ang magulang mo. " tumalikod na si Sir at naglakad.
Papatawag magulang?
OO NGA PALA LATE AKO.
Tumakbo na ako papuntang third floor kung nasaan ang room namin.
Let'sgeddditoon~!
Tumatakbo ako ng pagkabilis-bilis. May genes ata ako ni flash. tumingin ako sa oras. 8:50 am. 10 minutes nalang at second subject na. Baliw kasi si Sir Kalbo e. yan tuloy mas late pa ako.
Binilisan at binilisan ko pa ang takbo ko. Parang nasa running marathon na ako. May nararamdaman pa akong tumatakbo sa likod ko.
Hindi ako magpapauna siyempre.
Tumakbo pa ako ng takbo pero napakatraydor ng aking paa at nanghihina na ito.
Kung kailan pa.
Unti-unti akong tumitigil. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking mukha. Leche. Ilang balde ba ng tubig ang ininom ko kahapon at naliligo ata ako ngayon sa pawis?
Binuksan ko ang bag ko at kukunin ko na sana ang tubig ko dahil nauuhaw na ako pero wrong timing dahil may nanulak sa akin e.
" Tabi! " sabi iyon ng babae at tumalon sa taas ko.
Grabe anong akala niya 'Baka' ako para talunan?
Haharapin ko na sana at pagsasabihan ang babae nang makitang wala na siya sa hallway.
" Ang bilis naman nun. " kinamot ko nalang ang ulo ko atsaka tumayo bago maglakad.
Habang naglalakad ay umiinom ako ng tubig. Siyempre kailangan palitan ang mga nawala.
"Grabe ang pawis ko. May pamalit ba ako na tshirt? Titignan ko na nga lang sa locker mamaya. " nandidiri kong sabi saking sarili.
Grabeng pawis. Aish!
♪ It's just another night
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you ♪
Napahinto ako ng marinig ko iyon. Nagmula iyon sa music room na nasa aking gilid. Ang ganda ng boses ng babae at... siya rin ba yung nagpapiano?
♪ You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
But I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?♪
Her voice...
How can she have that kind of angelic voice?
♪So open your eyes and see
The way our horizons meet ♪
Sa tingin ko... magiging adik ako sa boses na ito.
Lumapit ako sa pintuan ng music room ( ♪ And all of the lights will lead
Into the night with me ♪ ). Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan itong pinihit.
Bubuksan ko na sana nang tuluyan ang pinto nang biglang...
" Hoy Allen ! "
Napabitaw ako sa pagkahawak ko sa pintuan at tumingin ng masama sa lalaking unggoy na iyon.
" Anong ginagawa mo diyan? " si Daniel pala , ang siraulo. Nakangiti pa ang loko.
I shook my head atsaka lumapit na sa kaniya.
" Wala.. wala. Halikana na nga! "
....
Pagkatapos ng isang subject ay dumiretso na kaming lahat sa canteen para kumain. As usual ay kaming tatlong magtotropa ang magkakasama : Ako, Daniel at si Dana. Hindi naman kasi kasama saamin yung spoiledbrat na makabasag tenga ( Niana ) kahit na may gusto si Daniel doon.
Kasalukuyan akong kumakain ng sandwich nang biglang...
" Alam mo ba Ching itong si Allen oh , may katagpo sa Music Room. " - Daniel
Kamuntikan na ako mabulunan sa sinabi niya. Aba't ang peste a. Gawa-gawa ng kwento?
" Talaga? Anong nangyari? " ito namang si Dana, ginatungan pa. Pasalamat siya ma--- oh shet.
" Ganto kasi yun-vagavsnjbshskamahns~ " nilagyan ko ng crumbled paper ang bibig ni Daniel para tumahimik naman siya.
" Dana, wag kang makinig diyan. " sabi ko kay Dana at natawa naman siya.
" Haynako! Anggulo niyo kausap. Teka nga pupunta muna ako sa garden. Diyan lang kayo ah? " sinabit niya na ang bag sa kaniyang katawan.
Ano namang gagawin nito ?
Maglalakad na sana siya ng bigla kong iharang ang kamay ko kaya napasimangot siya.
" Oh ikaw naman ang may katagpo diyan ?" sabi ko nang nakanguso. Haha. Sana maasar siya !
Tinulak niya ang nakaharang na kamay atsaka umirap sakin. " Pisti. Wala. Sige babush ! " at tumakbo na siya.
Nakakatawa talaga iyong babaeng iyon. Kaya ang sarap asarin e. Hay..
" Ganda ng view no ? " boses ni Daniel ang nagsalita saking gilid.
Weirdo ang kumag.
" Anong pinagsasabi mo ? "
" Wala. " sabi nito.
Ah wala naman pal---
" sa tingin mo pwede ko ba siyang ligawan ? "seryoso niyang tanong.
Ano to. Gaguhan pre? Kala ko ba si Niana ang gusto niya ?
---
( Her )
Dumiresto na ako sa garden pagkatapos ko kumain kasama sila Allen. Kailangan ko kasi ng hangin para malanghap baka mamaya kasi ay hindi ko kayanin.
May katagpo siya ?
Ibig sabihin may girlfriend siya ?
" Hay.. nakakainis talaga ! " sinipa-sipa ko ang bato sa damo atsaka kinamot ko ang aking ulo.
" Kala ko ba nakamoveon na ako tapos eto... AISH ! " sisipain ko na sana ang pinakamalaking bato sa aking harapan nang may magsalita sa aking likod.
" Tanga kaba? Hindi mo yan masisipa. " this voice is very familliar to her. At kanino pa ba nangagaling ang boses kundi kay Niana!
That bitchy voice.
" sa tingin mo masisipa mo talaga yan? Baliw ka talaga. "
Lumapit si Niana sa kaniya at umirap. " Pwede ka nang dalhin sa mental. "
" Niana ? " grabeng babae.
" Sorry , i didn't mean that pero.. HELLO? Mukha ka kayang tanga. "
Alam ko Niana..
" Oo na alam ko. " hindi narin napigilan ang aking pagkainis. Bwisit naman kasi talaga e.
" alam mo pala pero ginagawa mo parin tanga sa sarili mo ? Haynako. Ewan ko sayo. Iwan na nga kita. "
Hindi manlang comfort. Puro Lait. Grabe a.
---
- The Next Day
Tumungo ako sa Music Room pagkapasok na pagkapasok ko sa school. Feel ko kasing tumugotg saka Member rin naman ako ng Music Club kaya pwede naman ako pumunta doon anytime kaya.. susulitin ko na.
Binuksan ko ang pintuan ng Music Room at as usual tahimik ang paligid. May piano sa aking harapan tapos may mini stage na merong nakalagay na drums and other instruments.
Dumiresto ako sa piano atsaka pinindot ang mga keys nito.
( Playing : Eyes Nose Lips by Taeyang )
" ♪ Tell me it is really hard to see
That you make it so hard on me
But go ahead and sting with your lips
'Cause you're just about to kill me
Won't you set me free?.. ♪ "
Why can't i let myself free with your arms? Bakit ba nakakulong parin ako sa pagmamahal ko sayo ?
" ♪ But gave me one more glance as you walk away
Smile like everything's gonna be okay
When i'm needing you again
I'll see you in my hand
I remember as if everything's just always be the same. ♪"
Will it ever be the same ?
~~~
Patapos ko na yung kanta nang may biglang kumatok na napakalakas.
Anong problema nun?
Tumayo na ako para buksan ang pintuan.
-----
( Them )
Tumayo na ako para buksan ang pintuan.
Nagwawala na kasi talaga yung kumakatakot. Sobrang lakas na talaga.
Pinihit ko ang doorknob at nagulat ako sa taong kaharap ko. Ay mali! Parehas pala kaming gulat.
" Ikaw?" sabay naming sabi sa gulat.
What is she doing here?
Trespasser tapos kanina muntik niya nang masira ang pintuan. Baliw ata ang isang to e.
Umupo siya sa may harap ng piano atsaka pumindot ng random keys.
Anong akala niya cool siya ?
" Anong ginagawa mo dito, Danica? " tanong niya sakin na nagtataka.
Seryoso? Tinatanong pa niya?
" Member ako ng Music Club. " sagot ko dito atsaka kinuha ang gitara na nakalapag sa mini stage.
" Ah kaya pala. pero sabagay.. ikaw yung vocalist ng Neutral sa Paddleton High. "
Kailan pa nalaman nito ang information tungkol sakin?
Nagpluck nalang ako ng gitara habang siya ay nagdadaldal pa. Haynako. Nakakabwisit.
" You know how to play the piano? " isang nakakabiglang tanong niya sakin. Wait.. kanina pa ba niya ako pinapanuod na magplucking habang nagdadaldal siya ?
" Oo naman. " sabi ko at nilapag ang gitara bago tumayo.
Umalis siya sa may piano seat at ako ang pumalit doon.
" Anong kanta?" sabi ko nang nakapuwesto na.
" Kahit ano."
Tumango nalang ako at pinatugtog ang isa sa mga paborito kong kanta.
" ♪ I don't ever ask you
Where you've been
And I don't feel the need to
Know who you're with ♪ "
I don't need to ask you because i don't have the right. Tama ba ?
"♪ I can't even think straight
But I can tell
That you were just with her
And I'll still be a fool
I'm a fool for you ♪ "
Tanga parin ako para sayo. May nagmamahal bang hindi nagiging tanga?
" ♪ Just a little bit of your heart
Just a little bit of your heart
Just a little bit of your heart is all i want ♪ "
Kahit konti lang sana pansinin mo ko oh. Palagi akong nandito sa tabi mo tapos hindi mo ako pinapasin ?
Naramdaman kong umaalis na si Stelle sa aking tabi. Kanina kasi ay may binabasa siya cellphone niya. May gagawin pa ata siya.
Hindi manlang nagsasabi.
Tinigil ko ang pag-papiano at magpapaalam na sana sa kaniya nang bigla akong mapigilan dahil sa isang boses.
" Stelle? I-ikaw yung nagpapiano ? "
- end of one shot
----
This the end. Haha *evil laughs*. Yes, hanggang dito lang yung ' One Shot ' dahil parang special chapter lang siya ng .... tenenennn~ ' Soulmate?'
Kaya kung gusto niyong malaman ang susunod na kabanata nina Danica ( Dana ) at Allen. Tumutok po kayo sa ' Soulmate? ' which is very soon. ( Tatapusin ko pa kasi yung 'Letters For Ken' ) kaya medyo matagal-tagal pa. Hehe x)
The songs i've used pala in the one shot :
* All of the Stars - Ed Sheeran ( Cover by JAE )
* Eyes.Nose.Lips by Taeyang ( English Version by Eric Nam )
* Just a little bit of your heart by Ariana Grande
Ayun po thankies. xoxo
No comments:
Post a Comment