Wednesday, September 23, 2015

Letters for Ken (O - E)

LFK : Draft O

Dear Ken,
Ten years na ang nakakalipas simula nung nakilala kita. Imagine that? Isang dekada na ang nakakaraan pero ito ako, iniisip parin ang isang tulad mong hindi naman ako iniisip.

How great is that diba? Parang kailan ang nung una kitang nakilala.
Bata pa ako nun. Walang alam tungkol sa bagay-bagay. Tahimik sa isang tabi , kumakain ng spaghetti. Then bigla kang nakitang dumaan at dahil gwapo ka nga ay nagkacrush ako sayo.

Ganun naman talaga diba? Pagnagkacrush ka sa isang tao ay mukha muna ang titignan mo. Kaya kahit ilang segundo lang kita nakita ay naging crush nakita. Kala mo ako si Flash noh? Masiyado bang nagmamadali ? Haha. Ewan ko rin e. Bata pa kasi ako nung panahong yan kaya malay ko ba ?

It just that na may crush ako sa iyo nung time na yun. Kahit na alam kong hindi ka perpekto ( although, gwapo ka. ) I still have a crush on you.

Sinundan pa nga kita nung panahong iyon e. Haha parang stalker ba ? Siguro nga ganun. Wala naman kasi akong magagawa kung ayon yung sinasabi ng isipan ko.

Kaya nung umakyat ka, umakyat din ako. Pinauna kita at nung nauna ka at sumilip nalang ako sa gagawin mo. Nakita kitang dumiretso ka sa isang pintuan at pumasok doon.
Nagtaka naman ako at susundan kapa sana ulit kaso may biglang lumitaw na aso sa harapan ko kaya nagmadali akong bumaba mula sa hagdan. Nagulat pa nga sina Mama nung nakita akong bumaba mula doon e. Tinanong nila kung anong ginawa ko pero tinikom ko lang ang bibig ko at hindi nagsalita.

Ayaw ko naman kasing asarin nila ako sayo. Ayaw ko rin na malaman mo. Nakakahiya kaya!

Iniisip ko palang malalaman mo ay nag-iinit na ang pisngi ko kaya tinago ko yung sikreto na yun. Tinago ko ang pagkakacrush ko sayo kahit na alam kong mahirap at minsan ay mahahalata ako.

Pero kaya ko naman tanggihan e. Bata pa ako nung mga panahon nun. Diba lahat naman ng bata ay nagsasabi ng totoo ? Kaya ayon kahit masamang mag-sinungaling ay nagsisinungaling ako.

Ayoko naman kasi talagang malaman mo. Alam ko kasing mapapahiya ako at hindi mo magagawang tumingin sa mga mata ko kaya tinago ko.
Hindi rin naman kasi ganun ang nararamdaman mo sakin kaya bakit ko pa sasabihin?

Sayang naman kong sabihin ko pa kung ang resulta naman ay hangin din. Wala din. Inaksaya ko lang oras mo.

Kaya mas mabuti pang itago ko ang nararamdaman ko sayo at isulat nalang sa mga papel. Ako lang naman kasi ang nakakaintindi sa sarili kaya siguro.. i'll just write what i feel and what i want to say.

Kahit na mahirap.

- A
--
LFK : Draft N

Dear Ken,
Bakit nung after kita makala ay bigla ka nalang naglaho na parang bula?

Kala ko nga ay isa kalang panaginip na kahit kailan ay hindi na ulit mauulit pero bakit parati kitang naalala kung panaginip ka lang pala ?

Palagi ngang lumilitaw ang mukha mo sa isip ko e. Nakabisado ko ata yung itsura mo kahit isang beses lang kita nakita. Parang nagkaroon ako ng Photographic Memory ? Well, sabi nila usual naman sa bata ang ganun.

Common na yun sa mga tao during their childhood days kaya siguro ganun. Pero ang nakakapagtaka ay bakit ikaw lang ang pinaka-natatandaan ko?

May supernatural power kaba ? Si Percy Jackson kaba? Lol.

You're a mystery to me. Kahit ilang beses kong isolved ay hindi ko parin makukuha ang sagot.

Sabihin mo nga kung makikita kita ulit ? Kahit hindi man literal pero bigyan mo ako ng sign ?

Kasi kahit wala ka dito ay hinihintay kita. Palagi kasi akong tumitingin sa bintana pagkagising ko palang sa umaga. Umaasang makikita ka ulit na nakatambay sa usual poste na pinagtambayan mo ( nung gabi after kita sundan noon ).

Pero wala ka e.

Wala ka doon.

Naging Invisible kana ba ? Pero hindi naman posible yun diba? Hindi naman to Fantasy World.

Gabi - gabi nalang kitang iniisip. Hindi na nga ako makatulog e. Palagi na akong napupuyat. Pinapagalitan na nga ako nila Mama. Palagi nalang kasi akong late pagpapasok.
Ayan tuloy binawasan nila yung baon ko pagpupunta ako sa school.
Konti nalang tuloy nabibili kong pagkain at naglalakad nalang tuloy ako pauwi.

Kasalanan mo to e.

Buti nalang mabait yung kaklase kong lalaki at nilibre ako ng burger kaninang umaga. Nahiya pa nga ako nun kaso gutom talaga ako kaya pinagbigyan ko narin tutal grasya naman.
Sabay kami nun kumain at nakakuwentuhan ko siya tungkol sa mga Anime na mga pinapanuod ko. Ang bait niya sobra. Kala ko endangered species na katulad niyang lalaki pero nandiyan pala siya.
Naging close kami nun. Wag kang magselos ah? Close lang naman kami. Haha. Saka meron ka pa ngang kasalanan e.

Ikaw dahilan kaya nabawasan baon ko..

Pero ang nakakatawa yung pagbawas pa ng baon ko ang dahilan kaya nagkaron ako ng lalaking kaibigan.

Kaya hindi kita gaanong pinagbuntunan ng galit. ( Kahit naman hindi ko kayang magalit sayo)

Salamat sayo ah? Kahit hindi man literal XD

Hay.. Bakit ba attached na attached ako sayo ?

Bakit nga ba?

- A
--

LFK : Draft C

Dear Ken,
May nameet akong isang babae..

Naglalakad ako nun sa kalye ng may marinig ako na music. Siyempre nacurios ako kaya nilapitan ko.

Marami akong nakitang tao at nakapaikot sila. Meron silang pinapanuod na something sa gitna at hindi ko alam kung ano yun kaya dahil sa sobrang curios ay nakipagsiksikan din ako sa mga tao dun at tinignan kung ano ang pinapanuod nila.

At ayun nga nakita ko nga ang babae. sumasayaw siya sa Music at grabehan.lang yung lambot ng katawan niya.

I was amazed and kinda feel envious dahil buti pa siya ay nakakasayaw na walang kahirap-hirap kaysa sakin na robot na kung sumayaw.

Ewan. Basta ganun ang naramdaman ko. Pero diba sabi nila ' hindi lahat nang bagay na gusto mo ay mapupunta sayo' kaya ayun.

Umalis na agad ako atsaka naglakad papuntang kanto. pero ilang minuto palang ang nalalakad ko nang may biglang kumalabit sakin.

Nilingon ko naman ito at doon nakita ko yung sumasayaw na babae.

Nagtaka ako kung bakit niya ako nilapitan kaya tinanong ko siya kung bakit niya ako pinuntahan at ang sagot naman niya ay..

" Why don't you like my performance ? " iyon ang tanong niya sakin kaya napakunot ang noo ko.

Apektado ba siya doon? Pero nanatili akong mahinanon at ngumiti sa kaniya. Sinabi kong hindi naman sa ganun pero umirap lang siya at bumulong ng mga salitang hindi ko maintindihan.

Kitang-kita sa itsura niya na medyo disappointed siya. Pero ano nanamang kasalanan ko dito? Umalis lang naman ako doon a.

Ang gulo niya grabe. Bakit nagagalit ng wala namang dahilan?

Iniwan ko na siyang nakatayo doon. nag-Aalien words rin naman siya e. Hindi ko naman maintindihan kaya paano ko kakausapin? I left without a word.

Bumalik nalang ulit ako sa bahay at nakita doon si Mina na kasama yung mga pinsan kong nanunuod ng TV.

Binati ko sila at nagulat naman sila na nandoon na ako. Lumapit sakin si Mina at may binulong siya. " Alam mo bang pupunta yung pamangkin ni Ate Jo dito ? "

Literal na nagulat ako sinabihan siya ng 'Weh?' tumango-tango siya. Kaya naman kinilig ako. (Pero hindi ko sa kanila pinakita baka kasi tss...)

Pero gosh! Oo kinilig ako. Kinilig ako dahil pupunta kana ulit dito. Excited na ako para sa next week. Sana makausap na kita. Hays.. namiss na talaga kita!! Alam mo namang matagal na simula nung dumating ka dito e. KAYA SANA TALAGA MAGKAROON TAYO NG ENCOUNTER. gusto kong marinig ang boses mo e.

See you soon!! Hehehe ^_^v

Excited na ako makita ka. Biruin mo yun next week na pala kita makikita?

Hindi ka manlang nagbigay ng sign.

- A
------
LFK : Draft E

Dear Ken,
Pinsan mo pala siya..

Kaya pala magkasing puti kayo at pareha kayong may itsura. ( Hindi Literal )
Hindi mo manlang sinabi sakin. But hey, there some point in my heart na nagsasabing iyon ang 'sign' na hinihingi ko sayo.

Lakas ba ng instinct ko? Hehe.

Hmm.. Alam mo ba kung paano ko siya nalaman na pinsan mo? ( Ofcourse,hindi mo alam.)

Kasama ko nun sila Mina sa may tambayan namin. Nagkukuwentuhan, kumakain ng chips and the usual. ( Asaran, Kulitan, etc. )

Nag-uusap silang tungkol sa mga friendser nila kasi may nag-add raw na pogi sa kanila. Ang boring naman ng topic kaya hindi ko nalang pinansin sila at tumingin nalang ako sa paligid.

And that happened, nakita ko yung Tita mo kasama siya. At first i thought na baka kakilala lang siya ng Tita mo but Nei pointed out na anak pala siya ng Tita mo.

Literally shocked ako at sumagi rin sa isip ko na 'wala talaga akong pag-asa' haha. Kasi nga diba ang panget ng encounter namin kaya... Aish!

Pinsan mo pa nga lang ayaw na sakin . Paano pa kaya ikaw ?

- A
---

LTFK : Draft •

Dear Ken,
You didn't come.

I guess i'm just waiting for nothing.

- A
---





No comments:

Post a Comment