Grade 7 ako nung nakilala ko siya. matalino siya , mayaman pero hindi naman gaanong kagwapuhan. Malakas lang talaga ang appeal niya kaya nung unang pasok namin bilang SPA students ay siya agad ang napansin ng Guro at mga kaklase ko. Kahanga-hanga naman kasi talaga siya kaya hindi maiiwasang mapatingin nalang sa kanya.
Lahat ng tao gusto siya dahil ng matalino at may itsura.
Pero ako? Hindi ako ganun. Hindi ko siya napapansin dahil masiyado akong may pakialam sa sarili ko at masiyado ako occupied sa mga taong naging kaibigan ko sa klase kaya parang hangin lang siyang dumaan sakin.
Ngunit sa isang hindi inaasahang panahon ay mapapansin ko siya.
---
Second day of being an SPA student, wala kaming masiyadong ginagawa at puro kwentuhan,kulitan lang ang naging pampalipas oras namin. Nasa room kaming lahat at ang kaniya-kaniya ay may kanilang grupo. Ang mga grupo ay nakapaikot at tila may pinag-uusapan na bagay , at kami naman ng mga kasama ko ay nasa sahig at may pinagkukuwentuhan.
" Saan kaba galing section, Rebekah ? " tanong sakin ni Dane,isang babaeng nakasalim at maputi. nakangiti ito sakin habang hinihintay ang sagot ko.
" Taga- Rose ako dati kaso gusto ko talagang mag-aral tungkol sa Arts. " sagot ko at ngumiti narin ako.
Apat kaming nandito. Lahat ay babae ( May nagfifeeling na isang babae ) at kami nalang ata ang left-overs sa mga grupo-grupo.
" Weh?! Taga Rose ka? Ba't di kita nakikita ? " gulat na gulat na sabi ni Airish. Nilapag naman ni James ang kaniyang chichirya sa harapan namin at may sinabi.
" Loka,girl! Baka naman bulag ka lang. " hinto-hintong sabi ni James dahil may laman pa ang kaniyang bunganga.
" Aynako. Ang funneh mo ! saka nguyain mo nga iyang mabuti at baka matalsikan pa kami ng kinakain mo. " naiinis na sabi ni Airish atsaka inirapan si James.
" Oo na be! Tatapusin ko na ito at baka sumabog ang Mt. Pinatubo. " kinuha muli ni James ang chichirya sa harapan at binuhos ang lahat nang ito sa kaniyang bunganga.
Napafacepalm naman si Airish at tinuon nalang ang pansin sakin. " Wag mo nang tignan si James. SPG na 'yan " bulong ni Airish samin at parehas kaming natawa ni Dane.
" Ang hard naman ! "
" Hahaha. Okay lang iyon ! " sabi ni Airish at nagpatuloy na tumawa.
" How bad, ah? " sabi ni Dane at inayos ang salamin niya sa sa harap ng kaniyang mga mata pagkatapos tumawa.
Airish just shrugged and flipped her hair like she doesn't care. " Hayaan niyo na. Ganto lang talaga ang magkakaibigan. "
Ngumiti nalang ako habag pinaglalaruan ang mga daliri ko. Tama naman kasi siya , ganun talaga ang magkakaibigan. Asaran , kulitan and name it all. Kasi boring naman talaga kung wala nun diba ?
Nakinig nalang ako sa mga usapan nila at tumango-tango nalang dahil wala na akong ma-open na topic. Hayss..
" Audition raw mamaya, Isaac . Anong kakantahin mo ? "
" Hmm...Hindi pa ako nakakapag-isip. "
napalinga ako sa paligid nang marinig iyon. Ano daw audition? Kanta ? Sa Music discipline?
Hindi pa ako prepared!!
Pero si Isaac...
Sa Music rin siya?
" Just go for it nalang,pare. Basta may puso ka. "
" Yeah. "
I don't know what to sing.
----
" Sure kana ba mamaya na sa Music ka ? " bulong sakin ni James , habang nakikinig ng lecture sa A.P.
tumango naman ako atsaka nagpahalumbaba. " That's the only thing that i can do. " sagot ko at napataas naman ang isa niyang kilay. Parang hindi ata siya naniniwala sa mga sinabi ko
" You've got to be kidding me? Edi ba magaling karin magsulat ? "
" Ewan ko e. I just feel something na very unusual. " kumunot ang noo niya sakin. Hindi niya ata nagets.
" Very unusual ? " tanong niya. Inalis ko ang kamay ko sa aking baba at inilagay ito sa aking gilid.
" Something na hindi ko pa nararamdaman. " sagot ko at hinawi ang buhok papunta sa likod ng aking tainga.
tinignan ko sa gilid ng aking mata si James, at nagugulahan parin siya sa mga sinabi ko.
---
Dumating ang hapon at lahat ng gustong mag-audition sa Music ay pumunta sa Theatre Hall. Madami kami kaya baka aabutin kami ng siyam-siyam bago matapos ang pagpili.
Nakapila kami lahat sa isang booth para mag-fill up ng form na isusubmit namin mamaya sa magiging taga-pagturo namin sa Music.
" Excited na ako ! " masayang sabi ng babae na nasa gilid ng pintuan ng Theatre Hall , kasama ang isang lalaking misteryoso.
" Tss. sa sobrang kaexcitedhan mo ay mamaya hindi kana makakanta. " sagot ng lalaki sa kanya na mukhang pa-cool guy dahil nakalagay ang mga kamay nito sa itim niyang pants.
" Ohwell. Inggit ka lang naman talaga , Yohanne. " sabi ng babae sa lalaki at agad na umalis dahil tinawag na siya para makapasok sa loob. Nanatili namang nakatayo sa gilid ng pinto ang lalaki at sinaksak ang headphones sa kaniyang tenga.
Emo?
" Ekah? Rebekah ? Girl? Uy ! ba't ka nakatulala diyan ?! "
Natauhan nalang ako ng bigla akong sigawan sa tenga ni James. Nagising ang diwa ko kaya hinampas ko siya sa balikat. " Nakakagulat ka ! " sigaw ko dito habang pinapalo parin.
" Huwag mo namang pagdiskitahan ang braso ko ! Wait... Aww! Aray! Ekah! "
" Hey, tama na yan. " sabi ni Dane na kakadating lang. Kasama niya si Airish na naka allpink at girly na girling nakasuot ng ribbon na malaki sa tuktok ng ulo.
" Anyare diyan ? Christmas gift ? " natatawang sabi ni James kaya sinamaan siya ng tingin ni Airish.
" Haynako~! Nandito nanaman ang bakulaw. " sabi ni Airish na ngayo'y nakapamewang. Tinaasan siya ng kilay ni James at sasagutin na sana siya ni James nang....
" Miss Rebekah Sebastian, pinapatawag na po kayo sa loob. " sabi ng isang babaeng may hawak na listahan sa kamay. Bumilis ang tibok nang puso ko at parang hindi ko pa kaya pero hinawakan ni Dane ang balikat ko at pinapahiwatig nito ang salitang . " Kaya mo yan ! "
Tumingin ako sa kaniya at tinanguan. Nag-aja sign naman sila Airish at James kaya hindi ko napigilang matawa.
" Go for it ! " sabi nilang lahat kaya kinandatan ko sila bago tuluyang pumasok sa loob ng Theatre Hall.
--
Malamig ang hangin nang tuluyan na ako nakapasok sa Hall. Marami kasing aircon ang nakalagay sa paligid kaya hindi ko maiwasang ginawin.
" Okay ka lang , Miss Sebastian ? " rinig kong sabi ng isang lalaki kaya tumingin ako sa aking paligid.
Nakita ko sa harapan ng stage ang isang maliit na table at may isang lalaki ang nakaupo dito.
" Oka--- "
"Kunin mo itong mic " biglang sulpot ng babae at inaabot sakin ang mic. Kiniha ko naman ito at tuluyan nang naglakad patungo sa stage. Nang makatungtong na ako sa stage ay naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Woah! Kinakabahan talaga ako.
" So okay ka lang ba ? " tanong sakin nung nasa harapan at tumango naman ako. Ngumiti muna ito sa aking sagot bago nagsalita muli. " Sige. simulan mo na ang pagkanta. "
Pumikit muna ako at huminang malalim.
This is it...
"♪ Breaking on the ground
Silence all around
Thinking to myself
Never ever wanna be found
Not now ♪" mahina ko binanggit ang bawat salita habang nakapikit parin. I'm feeling every words that coming out from my mouth.
" ♪ But living everyday
Finding my own way
What’s the point in finding someone
If you know that
They will not stay ♪ " No one can really stay. I know that.
" ♪ I was still looking out
For that some kind of wonderful
But you would not give up on me
You would not let go ♪ " dumilat na ako at tumingin na doon sa lalaking nasa table pero iba ang nahagip ng mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakapolo na tumitingin din sakin. Anong ginagawa niya dito?
Nakatingin parin ako sa kaniya habang kumakanta pero bago ko tapusin ang kanta ay nag-iwas na ito ng tingin at tumalikod.
"♪ You said Baby I wish you could see
What I see
Coz lately I felt like your all I’d ever need
And baby there’s nowhere else I’d rather be
So maybe you could take a chance on me
ooohhh oohh woahh ohh ♪" humina ang pagkanta ko sa huling lyrics. pero hindi ko parin inaalis ang tingin sa kaniya kahit likod niya lang ang nakikita ko.
* clap.clap.clap.*
Nakarinig ako ng palakpak sa aking harapan kaya inalis ko ang paningin sa kaniya.
" Ang ganda ng boses mo, iha. pero masiyado itong mahina... hmm okay lang naman dahil sobrang soothing ! Kaya you passed the audition. " hindi ko naintindihan ang mga sinabi ng guro dahil sobrang lutang pa ang isipan ko.
Bakit ka kasi nandito ?
" Sir France, pwede na ba akong kumanta ? " umalingawngaw ang boses ng lalaki sa paligid. Napalingon si Sir sa nagsalita at parehas kaming napatingin dito. Nakaguhit sa kaniyang mukha ang pagkaseryoso at tila iba ang aura niya ngayon.
" Nandiyan kana pala, Isaac! Kanina kapa nandito ? " tanong ni Sir pero hindi sumagot si Isaac at naglakad lang patungo sa stage kung nasan ako.
Parang humangin ng malakas habang naglalakad siya at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya.
" I'm going to sing , hindi ka paba aalis ? O dito ka lang ? " nagulat ako ng tanungin niya iyon. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa aking harapan. Ba't hindi ko ba napansin iyon ? Nakakahiya~
" Uhm... ano sige.. " sabi ko at aalis na sana sa stage nang hawakan niya ang aking braso.
" Dito ka nalang pala. " sabi niya nang hindi parin tumitingin sakin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa pagkagulat o ano, pero alam kung mabilis ang puso ko.
May isang staff na umakyat sa stage at may hawak itong gitara. Inabot niya ito kay Isaac at ngumiti naman si Isaac at nagpasalamat.
Titig na titig ako sa kaniya at hindi ko na napapansin ang nasa harapan namin.
" Ready kana, Isaac ? " tanong ni Sir at tumango naman si Isaac atsaka nagpatugtog ng gitara.
" ♪ Maybe it's her face, no makeup at all
As she tells me she's not beautiful ♪ " nagsimula siyang kumanta at napatulala naman ako.
Ang gwapo kasi ng boses niya.
" ♪ Maybe it's her hair, soft golden and wind blown
As we drive through the streets of town
It could be all these things ♪ " naramdaman ko nanaman sa aking dibdib ang karerang tinatakbo ng aking puso. Hindi ko alam ang nararamdaman ko... Bakit pa kasi itong kanta ang kinanta niya ?
"♪ But I think it's her smile
Maybe it's her laugh when she throws back and sighs
Or her eyebrows when I do something stupid ♪ " inalis niya ang tingin niya kay Sir at tumingin siya sakin. Nakita ko ang nagraramdam niyang mata at hindi ko mapigilan sa isip ko na ano bang meron ?
" ♪Maybe it's her smell, the lotion she wears
Or how my hands smell like country pear for days
You know it could be all these things ♪ "
I'm starting to feel something uneasy. Para siyang abstract na hindi maintindihan.
" ♪But I think mostly it is her smile
Cause I love to see her smile back at me
And I know she is happy ♪ " napahawak ako sa aking dibdib at ganun parin ito.. tumatakbo parin.
" ♪Maybe it's her touch, the feel of her hands
When she puts her tiny fingers in mine
Maybe it's her eyes gently searching my soul ♪ " inalis ko ang aking kamay sa aking dibdib at pinunta ito sa aking gilid. Inalis ko ang tingin sa kanya , tumingin ako sa sahig.
Buong kanta ay nakatingin lang ako sa sahig at hindi siya tinitignan. It's like foreign feeling penetrated me at hindi ko na ito matanggal. Nagugustuhan ko ba siya dahil kinanta niya iyon ? The confusement really can't removed from my brain.
Nabigla ako nang hawakan niya ang aking kamay at diniinan ang pagkahawak dito. Hindi niya tinutugtog ang gitara at ang atensyon niya lang ang aking kamay na masasabi kong hindi makakawala s a pagkahawak niya. Napatingin ako sa kanya , nakakunot ang noo at may pagtatanong ang mukha.
Ngunit hindi niya ako tinugon at umiwas siya ng tingin habang kinakanta ang huling salita ng kanta.
" ♪ Still nothing stirs me like when I see those lips roll
and I see her smile
Cause I love to see her smile back at me
And I know she is happy ♪ "
Lumamig ang paligid ng matapos niya ang kanta. Mas lalong dumami ang pakiramdam na hindi maintindihan. Binitawan niya ang kamay ko atsaka tinuon ang pansin sa mga salitang sinasabi ni Sir. Nakatulala ako sa kanya at tinitigan ang seryoso niyang mukha na nakikinig. May malaking question mark ang utak ko pero hindi ko rin alam ang mga katanungan bago ang simbolong ito.
Bumaba na ako sa stage at iniwan siya doong nakikinig. Ayaw ko rin namang makaramdam ng awkwardness saming dalawa kaya tuluyan na akong lumabas sa Theatre Hall at hindi na sinubukang lingunin siya.
Pero hindi ko alam na iyon na pala ang una at huli kong encounter sa kaniya. Dahil pagkatapos nung Performance na iyon , ang mundong inaapakan namin ay nagbago. Naging mas sikat siya sa School at ako naman ay anino lang. Mahahalintulad nga na ang mundo namin ay nababalot ng isang 'Mist'. Ang napaka kapal na fog ay ang mga taong nagbibigay ng atensyon sa kaniya at ako naman ay isang gamit na hindi na makita-kita dahil sa fog na ito.
Sa sobrang kapal nito ay wala nang posibilidad na mapansin niya ulit ako. At imposible naring matagpuan namin ang isa't isa.
-fin
---
Songs :
Take A Chance - Marion Aunor
All These Things - Stephen Speaks
Anyway , Thank you for reading :) ♥xoxoxoxo
No comments:
Post a Comment